-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nagdulot ng mahabang pagkaantala ng daloy ng trapiko at takot ng mga residente sa iniwang bomba sa PNP Checkpoint sa probinsya ng Cotabato.

Ayon kay Pikit Chief of Police Major Maxim Peralta na nakatanggap sila ng tawag sa isang plastic sando bag na isinabit sa tarpaulin sa PNP Checkpoint ng Regional Mobile Force Battalion(RMFB-12) sa Sitio Mahad Barangay Forth Pikit, Pikit Cotabato.

Agad isinira ang national highway para sa seguridad ng mga commuters at mamamayan ng bayan.

Naantala ang daloy ng trapiko sa national highway ng mahigit isang oras.

Nang magresponde ang mga kasapi ng Explosive Ordnance Disposal Team ng PNP at Philippine Army ay kusang pinasabog ang bomba.

Ang IED ay gawa sa isang piraso ng remote frequency (EMYLO),9 volts everyday battery,christmas light bulb, isang litter ng soy sauce plastic container,pulbura at mga pako.

Marami ang naniniwala na posibling kagagawan ito ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Pikit PNP sa naturang pangyayari.