-- Advertisements --
Malapit nang mapuno ang intensive care unit ng Philippine General Hospital dahil sa patuloy pa ring pagtaas ng COVID-19 cases.
Sinabi ni PGH spokesperson Jonas del Rosario na 98 percent ng 41 ICU beds sa kanilang ospital ay kasalukuyang ginagamit.
Okupado na rin ang walong kama na nakalaan para sa mga bantang nangangailangan ng intensive care.
Kabuuang 154 beds sa 225 na kamang nakalaan para sa COVID-19 ay kasalukuyang ginagamit din.
Mayroon pa aniya silang kama na available, pero mahihirapan namang maipasok sa ospital ang mga pasiyenteng nakakaranas ng severe o critical cases ng COVID-19.