-- Advertisements --

Binuksan na ng korte ng United Nations ang pagdinig sa legalidad ng pag-okupa ng Israel sa teritoryo ng Palestine na nasa ika-57 taon na ngayon. 

Magtatagal ng anim na araw ang gagawing pagdinig ng International Court of Justice patungkol sa pag-okupa ng Israel sa West Bank, Gaza, at East Jerusalem simula 1967.

Ang kasong ito ay hiwalay pa sa isinampa ng South Africa patungkol sa umano’y ginagawang genocide ng Israel sa Palestine. 

Maaaring umabot ng isang buwan bago magkaroon ng desisyon ang korte. Ayon sa mga eksperto, hindi ito legally binding pero maaari umano itong maka-apekto sa international jurisprudence, international aid at public opinion sa Israel. 

Ito na ang pangalawang beses na humingi ng advisory opinion ang United Nations sa World Court tungkol sa isyu ng teritoryo sa pagitan ng Israel at Palestine. Noong July 2004, sinabi ng korte na labag sa international law ang separation wall ng Israel sa West Bank. Sa kabila nito, nananatili pa rin ito hanggang ngayon.