Muling nanindigan si Justice Sec. Menardo Guevarra na handa ang gobyerno ng Pilipinas na harapin ang ano mang imbestigasyon sa usapin ng war on drugs ng kasalukuyang administrasyon.
Sinabi ni Guevarra, kung ito ang kinakailangan, handa itong harapin ng gobyerno upang malinawan ang mga maling impormasyon, maging ang mga maling pananaw na nagmula lamang sa bias o second-hand information.
Bumanat naman si Guevarra sa pagsasabing hindi dapat turuan ang gobyerno ng Pilipinas kahit pa ang United nlanations (UN) o iba pang ahensiya nito, para ipatigil ang umanoy extradjudicial killings sa giyera kontra droga.
Binigyang diin ng kalihim, kahit kailanman ay hindi naging polisiya ng Pilipinas ang pagpatay sa mga sumusukong tao na napapaghinalaang sangkot sa droga.
Ginawa ni Guevarra ang pahayag bilang reaksiyon sa napaulat na paghahain na ng draft resolution ng Iceland sa UN Human Righst Council (UNHRC) sa Geneva.
Laman ng resolusyon ang kahilingan na gumawa na ng aksiyon ang UN para imbestigahan na at i-address ang nangyayaring mga pagpatay sa Pilipinas sa ilalim ng war on drugs ng Duterte administration.
Suportado ng 12 kasapi ng UN ang nasabing draft resolution.
Nakatakda naman itong pagbotohan sa darating na Hulyo 12.