-- Advertisements --

Nakatakdang maglabas ang Appeals Chamber ng International Criminal Court (ICC) ng kanilang desisyon sa jurisdiction ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa darating na Abril 22.

Ayon sa Appeals Chamber na kanilang ilalabas ang desisyon sa Abrill 22 ng ala-5 ng hapon oras sa Pilipinas.

Una ng umapela ang legal team ng dating pangulo na kinukuwestiyon ang desisyon ng Pre-Trial Chamber I na papayagan ang ICC prosecutor na ituloy ang pagdinig sa kasong crime against humanity ng dating pangulo.

Giit ng kampo ng dating pangulo na walang otoridad ang ICC para mag-imbestiga sa krimen na naganap sa Pilipinas dahil nag-withdraw na ang bansa sa Rome Statue noon pang 2019.