-- Advertisements --
IMG 20200429 143602

Hinimok ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang mga bagong abogado na gamitin ang kanilang pagiging literate sa teknolohiya para maghatid ng hustisya lalo na ngayong panahon na may kinahaharap ang bansa na Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Sa statement, sinabi ni IBP President Domingo “Egon” Cayosa na maliban sa “traditional lawyering,” sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya ay puwede itong gamitin para matulungan ang komunidad at bansa.

Naniniwala si Cayosa na mabisa ang teknolohiya para maiparating ang hustisya at mai-promote ang kapayapaan sa buong kapuluan.

Hiniling din ng IBP president sa mga bagong abogado na unahing tulungan ang mga “less fortunate” sa kanilang komunidad maging sa buong bansa.

“Your passing the Bar exams during a world pandemic should remind you that countries and jurisdictions are intertwined in many ways; that technology can be harnessed to significantly improve the administration of justice and the practice of law; and that we can help our community and country beyond traditional lawyering. Have a broad perspective and measure up to global standards. Use technology to efficiently deliver justice and more importantly to promote peace, conscientiously advance the interest of your clients, and help the less fortunate in your community and in our country,” ani Cayosa.

Una rito, sa mensahe ni 2019 Bar Exam Chairperson Senior Associate Justice Estela Perlas-Bernabe, hinimok nito ang mga bagong abogado na maging model para maging modelo at tularan ng mga susunod na henerasyon.

Kahapon nang ilabas ng Korte Suprema ang resulta ng 2019 Bar Exam at nasa 2,103 ang pumasang abogado mula sa kabuuang kumuha ng eksaminasyon na 7,685.