Nanawagan ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) na agad na imbestigahan ang panibagong pagpatay sa isang abogado sa Abra.
Ayon sa IBP na dapat na gumawa ng hakbang ang NBI at PNP para sa agarang ikaresolba ng pagpatay kay Atty. Ma. Saniata Liwliwa Gonzales-Alzate.
Ang nasabing abogado aniya ay pinagbabaril ng hindi pa nakilalang suspek sa loob ng kaniyang sasakyan habang nakaparada ito sa harap ng kanilang bahay.
Dagdag pa ng grupo na ang panibagong pagpatay sa abogado ay nagpapaalalal kung gaano kadelikado ang buhay na kinakaharap ng mga abogado, huwis at mga opisyal ng korte sa bansa.
Nagpaabot na rin ng pagkondina ang International Association of Democratic Lawyers sa nasabing panibagong pagpatay na abogado.