CAGAYAN DE ORO CITY – Nirerespeto ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) Cagayan de Oro-Misamis Oriental chapter ang pagsuspinde ng Korte Suprema sa dating law professor ng Xavier University dito sa lungsod dahil sa kasong sexual harassment.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni IBP Cagayan de Oro-Misamis Oriental chapter President Atty. Carlo Antonio Almirante, sinabi nitong na ikinalungkot ng law community ang sinapit ni Atty. Cresencio P. Co Untian Jr.
Pero sa kabila nito, wala naman daw silang magagawa dahil utos ito mula sa Kataas-taasang Hukuman.
Ayon kay Almirante, mayroong batas na dapat sundin kung kaya’t kanilang nirerespeto ang hatol ng Supreme Court en banc.
Nauna rito, nagpalabas ng utos ang en banc kaya sinuspinde si Co Untian ng limang taong bilang abogado at pagtuturo sa alinmang law school sa bansa.
Ang nasabing kaso ay nag-ugat sa reklamo ng tatlong law students na umanoy minolestoya ni Co Untian.