Pinaalalahanan ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang 3,992 bagong abogado sa bansa na itaguyod ang integrity at ethics ng kanilang legal na propesyon.
Ang 3,992 bagong abogado ay pumasa sa 2022 Bar examinations at nanumpa sa harap ng Supreme Court (SC) sa Philippine International Convention Center (PICCC) sa Pasay City ngayong araw.
Pagkatapos ng oathtaking, sinimulan nilang pirmahan ang Roll of Attorneys – ito ay ang opisyal na listahan ng mga abogado sa bansa.
Dagdag dito, ang nasabing mga bagong abogado ay magiging miyembro ng Integrated Bar of the Philippines na opisyal na organisasyon ng mga abogado sa bansa.
Sa isang pahayag, sinabi ng Integrated Bar of the Philippines na ang mga abogado ay may tungkulin na itaguyod ang batas at itaguyod ang hustisya para sa lahat ng mamamayang Pilipino.










