-- Advertisements --

LAOAG CITY – Inihahanda na umano ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang kanilang petisyon sa Anti-terror Law na epektibo ngayong araw.

Sa panayam ng Bombo Radyo Laoag kay Atty. Domingo Cayosa, presidente ng IBP, aabot na sa siyam na grupo at indibidwal ang naghain ng petisyon sa Korte Suprema na kumukwestyon sa mga ilang probisyon nito.

Sinabi pa nito na kahit maraming petisyon at walang inilabas ang korte suprema na Temporary Restraining Order (TRO) dahilan para maging epektibo ito ngayong araw.

Gayunpaman, mayroon na umanong direktiba ang korte suprema sa pamahalaan at kongreso na sumagot sa mga naihaing petisyon.

Pare-pareho aniyang probisyon ang kinukwestiyun ng mga naghain ng petisyon tulad ng section 29 na maaring makulong ang mga pinaghihinalaang teroritsa kahit walang warrant of arrest pero una na umanong ipinaliwanag ito ni Sen. Panfilo Lacson.

Isa pa umano sa mga puna sa batas ay ang pagkakaroon ng kapangyarihan ang Anti-Terrorism Council na mag-designate ang mga pinaghihinalaan.

Dahil dito aniya ay maaring i-freeze ng Anti-Money Laundering Council lahat ng mga assets ng mga ito at walang tiyansang makapagpaliwanag.