Naniniwala ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) na walang nalalabag na batas ang mga indibidwal na nagtatayo ng mga community pantries para matulungan ang mga taong nangangailangan.
Ito ay matapos na mapaulat na ilang organizers ng mga community pantry ang nabiktima ng red-tagging at naha-harass ng mga pulis.
Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hangga’t sa hindi naman problema ang pagsunod sa health protocols ay dapat pabayaan at huwag gambalain ang mga organizers ng community pantries.
Maging si Justice Secretary Menardo Guevarra ay nagsabi na hindi dapat pakialaman ang “act of kindness and compassion” ng isang indibidwal sa kapwa nito.
Mariing kinondena naman ng Commission on Human Rights ang red-tagging sa mga organizers ng maraming community pantries, na tumutulong lang naman sa mga apektado ng COVID-19 pandemic.
Kaya nangangako rin ang Public Attorney’s Office ng legal assistance sa mga pantry organizers na biktima ng red-tagging o harassment ng mga otoridad.










