-- Advertisements --
Bumisita kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Malacanang si IBO world champion Dave “Dobermann” Apolinario.
Kasunod ito ng pagkakapanalo kamakailan ng Filipino boxer laban sa nakatunggali nitong si Gideon Buthelezi via knockout sa East London, South Africa dahilan upang makuha nito ang titulo, bilang bagong IBO world champion.
Si Apolinario ay may record na 17 panalo, walang talo at 12 dito ay pawang knockout.
Binati naman ng Pangulong Marcos si Apolinario na nag-iisang Pinoy champion ngayon sa buong mundo.
Niregaluhan naman ng pangulo ng commemorative token ang boksingero habang may pirmang gloves naman ang ibinigay nito.