-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nakiisa ang ibat’ibang institusyon ngayong gabi kasabay ng pagdiriwang ng earth hour sa buong mundo para maibsan ang epekto ng Climate change.

Una nito, nanawagan ang simbahang katolika sa lungsod na makiisa sa aktibidad para maligtas at ma-protektahan ang kalikasan.
Dahil dito aasahan na papatayin ng mga simbahan ang kanilang ilaw bilang pakiisa sa earth hour.

Samantalang nagpakita rin ng suporta ang SM City of Davao kung saan dalawa sa kanilang mga malalaking mall sa lungsod ang mag-switch off rin ng kanilang mga ilaw bilang pagkunserba ng enerhiya.

Ilan pa sa mga pribadong sektor na nakibahagi ay kinabibilangan ng Dusit Davao at Dusit Thani Lubi Plantation resort, real estate property ng Camella Homes, mga BPO companies, private schools at Fast food change sa lungsod.

Ang BPO company na VXI ay nagsagawa pa ng Trashionistas kung saan pinakita ang creativity sa pamamagitan ng green at sustainable fashion.

Samantalang alas singko pa lang kaninang hapon ay nag-assemble na ang ilang grupo ng mga bikers sa pangunguna ng EcoNeo kung saan magbi-bike sila sa coastal road nitong lungsod bilang bahagi pa rin ng kanilang pakikiisa sa nasabing akibidad.

Nanawagan rin ang environmentalist group na Interfacing Development Interventions for Sustainability (IDIS) sa publiko na malaking tulong kung makikibahagi ito sa nasabing hakbang sa pamamagitan ng pagpatay ng mga ilaw sa kani-kanilang mga bahay.