Nagpaabot ng pakikiramay ang mga European leaders matapos ang naganap na pamamaril sa Charles Univerisity sa Prague na ikinasawi ng 15 katao.
Kinondina at ikinalungkot nina Italian Prime Minister Giorgia Meloni , Austrian President Alexander Van der Bellen, Romanian President Klaus Iohannis at French President Emmanuel Macron ang nasabing pangyayari.
Magugunitang sa nasabing insidente ay Mahigit 20 ang sugatan kung saan ang suspek ay 24-anyos na estudyante rin ng unibersidad.
Ayon kay Czech Police President Martin Vondrasek na kanilang nakitang wala ng buhay ang suspek sa isang kuwarto sa unibersidad na pinaniniwalaang nagpakamatay.
Lumabas sa imbestigasyon ng mga otoridad na mayroong permit ang baril nito at may-ari umano ito ng iba’t-ibang uri ng mga baril.
Dahil sa pangyayari ay kinansela ng unibersidad ang kanilang mga aktibidad habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa lugar.