Puspusan na ang paghahanda ng Local Disaster Risk Reduction and Management Office ng bayan ng Lingayen sa pangunguna ni mayor Leopoldo Bataoil sa posibleng pananalasa ng Bagyong ‘Karding’.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Kimpee Cruz, Assistant LDRRM Officer ng nasabing bayan, binigyang-diin nito na nakahanda na ang lahat ng kanilang disaster response equipment, supplies, at material, pati na rin ang mga food at non-food items na kakailanganin sakaling tatama man ang bagyo sa lalawigan ng Pangasinan.
Sinabi ni Cruz na 24/7 na naka-monitor ang kanilang mga tauhan sa galaw ng bagyo.
Sa kasalukuyan ay full force na ang mga empleyado ng LDRRMO bilang bahagi ng paghahanda sa pananalasa ng bagyo.
May bilang na 32 ang staff ng Lingayen LDRRMO, habang kaagapay naman ng ahensya ang Municipal Special Action Team, at iba pang mga ahensya gaya ng Bureau of Fire Protection, Philippine National Police at iba pang mga Civil Society Organizations.