-- Advertisements --
DENR

Pumirma ng Memorandum of Agreement ang National Irrigation Administration (NIA), Department of Environment and Natural Resources–Water Resource Management Office (DENR-WRMO), at National Water Resources Board (NWRB) para sa mas maayos na paggamit ng mga patubig sa bansa.

Nais ng tatlong ahensiya na maabot ang pinakamabisa at pinaka-episyenteng paraan sa paggamit sa mga water resources ng bansa.

Ayon sa NIA, plano nitong hindi lamang gagamitin ang supply ng tubig bilang patubig sa mga sakahan sa buong bansa, kungdi maging sa ibang paraan, katulad ng aquaculture, power generation, turismo, at iba pa.

Sa ganitong paraan, naniniwala ang ahesniya na makakakuha pa ito ng mas mataas na kita.

Bahagi pa ng naturang kasunduan ay ang pagtutulungan sa pagitan ng mga ahensiya ng gobierno na pamahalaan ng maayos ang supply ng tubig sa Pilipinas.

Sa ilalim pa rin nito, naatasan ang DENR na protektahan ang mga water resources ng bansa, salig sa kasalukuyang batas ukol sa water conservation.

Tiniyak naman ng NIA na hindi mababalewala ang pangangailangan ng mga magsasaka ng buong bansa, na pangunahing tinutugunan nito.

Maalalang itinutulak ng maraming opisyal ng bansa ang pagkakaroon ng isang Departamento na mangunguna sa pagprotekta sa mga katubigan at supply ng tubig sa buong bansa.