-- Advertisements --
Tiniyak ni Health Sec. Francisco Duque III na hindi maapektuhan sa inaasahang pagdating ng supply COVID-19 vaccines sa Pilipinas ang iba pang programa sa bakuna ng pamahalaan.
Sinabi ito ni Duque sa pagdinig ng House Committee on Health sa COVID-19 vaccination program matapos tanungin ni Rep. Bataan Rep. Joet Garcia.
Tiniyak ni Duque na magiging masinop sila sa paggamit ng kanilang resources para hindi ito masayang.
Nauna nang sinita ng Commission on Audit (COA) ang Department of Health (DOH) dahil sa maraming mga biniling gamot ang kagawaran na nasira lamang pero hindi pa naipapamigay.
Sa pagdinig nitong umaga, sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na sa Pebrero 20 inaasahang masisimulan ang rollout ng COVID-19 vaccines.