-- Advertisements --
image 42

Tatlong iba pang mga bansa mula sa Southeast Asia ang magkakasunod na naghain ng diplomatic protest laban sa China.

Ito ay matapos ilabas ng naturang bansa ang panibago nitong 10-dash line map na inilabas lamang kamakailan kung san inaagaw nito ang malaking bahagi ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

Kabilang sa mga Estado na naghain ng kanilang protesta ay ang Malaysia, Taiwan, at Vietnam.

Sa panig ng Malaysia, sinabi ng Foreign Ministry nito na hindi kinikilala ng naturang bansa ang mapang inilabas ng China, at hindi ito ‘binding’ sa naturang bansa.

tahasan namang sinabi ni Taiwan Foreign ministry Spokesperson Jeff Liu na hindi bahagi ng People’s Republic of China ang taiwan.

Kahit ilang beses aniyang ipilit ng China, hindi mababago ang katotohanang nage-exist ang Taiwan na may sariling pamamahala.

Para naman kay Vietnam Ministry of Foreign Affairs spokesperson Pham Thu Hang, tinatanggihan ng pamahalaan ng Vietnam ang naturang mapa dahil sa nilalabag nito ang batas na kinikilala ng Vietnam, kasama na ang international law.

Una nang naghain ang Pilipinas ng pormal na protesta laban sa naturang mapa. Nakasaad sa protesta ng Pilipinas na dapat ay kumilos ng responsable ang China, at igalang ang itinatakda ng 2016 arbitral ruling.

Sa kasalukuyan, kasama ng Pilipinas ang Vietnam, Malaysia, Brunei at Taiwan sa mga bansang naggigiit sa kanilang karapatan sa West Phil Sea, kasama na ang China.