-- Advertisements --
image 38

Hindi rin ligtas ang iba pang opisyal ng Philippine National Police (PNP) sa panawagang courtesy resignation ni Department of the Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr.

Sinabi ni PNP- Public Information Office chief PCol. Redrico Maranan, na hindi magtatapos ang hakbang na ito sa paglilinis ng buong hanay ng kapulisan sa pagsusumite ng courtesy resignation ng lahat ng full-pledged colonel at generals ng Pambansang Pulisya.

Pagkatapos kasi aniya ng mga ito ay sunod namang hihingan ang mga 2nd level officers ng PNP mula sa lieutenant colonel pababa hanggang non-commissioned officers.

Aniya, bagama’t may katanungan ang ilang opisyal ng pulisya hinggil sa nasabing hakbang na ito para sa mas maigting na internal cleansing sa kanilang buong hanay ay nagpahayag pa rin naman ang mga ito ng suporta.

Kung maaalala, una nang ipinaliwanag ni Abalos na ang mas maigting na internal cleansing nito sa kapulisan ay dulot ng pagkakasangkot ng ilang matataas na opisyal sa illegal na droga.