-- Advertisements --

Posibleng ungkatin na rin ng Senado ang iba pang kaso ng misencounter na nangyari sa pagitan ng mga law enfocement body ng pamahalaan.

Pangungunahan ni Senate committee on public order and dangerous drugs chairman Sen. Ronald “Bato” dela Rosa ang imbestigasyon, kung saan makakatuwang naman nito ang dati ring PNP chief na si Sen. Panfilo Lacson.

Itinakda ang hearing sa pagpasok ng buwan ng Marso.

Para kay Senate President Pro-Tempore Ralph Recto, mahalagang masuri ang protocol ng PNP at PDEA upang hindi na maulit ang sagupaan ng pare-parehong tauhan ng gobyerno.

Tiniyak naman ng mga senador na hindi sila magiging sagabal sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI).