-- Advertisements --

Nanawagan ang International Atomic Energy Agency (IAEA) na dapat magkaroon ng security zone sa Zaporizhzhia nuclear power plant ng Ukraine.

Sinabi ni IAEA Director General Rafael Grossi na nagkaroong ng matinding damyos ang planta at hindi malayong magkaroon ng leak dahil sa patuloy na labanan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Dagdag pa nito ng kanilang binisita ang lugar ay lubos siyang nababahala dahil sa patuloy na labanan at pagpapaulan ng rocket ng Rusisa sa lugar.

Bilang trabaho nila na matiyak na walang mangyayaring masama sa planta ay iniwan nila ang ilang mga inspectors sa lugar.

Magugunitang inakusahan ng Ukraine ang Russia na ginagamit nilang panangga ang planta para hindi sila makaganti sa anumang rocket attack nila.