-- Advertisements --
Nananatiling nakabantay ang Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) sa mga pribadong sasakyan na dumadaan sa EDSA Busway.
Ang nasabing EDSA Busway kasi ay siyang dadaanan ng mga delegado at manlalaro ng FIBA Basketball World Cup para mapabilis ang kanilang pagpunta sa mga playing venue.
Nitong nakaraang mga araw ay nasa mahigit 70 mga sasakyan ang natiketan ng I-ACT na dumaan sa EDSA Busway.
Dahil dito ay patuloy ang panawagan nila sa mga motorista na huwag ng dumaan sa EDSA Busway para hindi na sila magkaroon ng anumang aberya.