Iniulat ng Department of Health na isa ang hypertensive diseases sa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay sa Pilipinas.
Kasunod ito ng pag-akyat sa ika-limang puwesto ang hypertensive diseases sa mga pangunahing cause of death sa bansa noong taong 2022 batay sa datos na inilabas ng naturang kagawaran.
Ito ay sa kabila ng pagbaba ng mga namamatay nang dahil sa hypertensive complications mula sa dating 48,000 na una nang naitala noong taong 2021 hanggang sa 35,000 na naitala naman noong taong 2022.
Paliwanag pa ni Philippine Society of Hypertension President Dr. Dolores Bonzon, karamihan sa mga tinatamaan ng nasabing sakit ay pawang mga asymptomatic dahilan kung bakit hindi nila nalalaman ang mataas na ang kanilang mga blood pressure.
Ayon naman ay Philippine Society of Hypertension Vice President Dr. Alejandro Diaz, bukod dito ay mas bumabata din aniya ang mga indibidwal na tinatamaan ng hypertension dahil sa kawalan ng proper exercise.
Samantala, bukod dito ay ipinaliwanag din ng mga eksperto na malaki ring dahlan ang tumataas na bilang ng mga obese na mga kabataan ngayon lalo na noong tinamaan ng pandemya ang Pilipinas.