-- Advertisements --

Bigo raw ang anti-malaria drug na hydroxychloroquine na protektahan mula sa infection ng coronavirus ang healthcare workers na nag-aalaga sa COVID-19 patients.

Batay sa pag-aaral na ginawa ng ilang doktor sa Amerika, na naka-post sa journal na Infectious Diseases Society of America, nakita na bumaba ng 28% ang tsansa na mahawaan ng COVID-19 ang participants na isang beses nakakatanggap ng hydroxychloroquine sa loob ng isang linggo.

Mas bumaba pa raw sa 26% ang risk ng infection nang doblehin ang paginom ng gamot sa loob din ng isang linggo.

Nasa 1,493 healthcare workers na nagta-trabaho sa emergency department, ICU, at iba pang high-risk areas sa Estados Unidos at Manitoba province sa Canada ang naging participants ng pag-aaral.

“Pre-exposure prophylaxis with hydroxychloroquine once or twice weekly did not significantly reduce laboratory-confirmed Covid-19 or Covid-19-compatible illness among healthcare workers,” ayon sa research.

Random ang naging assignment sa pagbibigay ng 400mg hydroxychloroquine at placebo sa mga participants. Tumakbo ito ng 12 weeks, at isang beses sa kada linggo naktanggap ng gamot ang mga participants.

“Hydroxychloroquine concentrations did not differ between participants who developed Covid-19-compatible illness (154 ng/mL) versus participants without Covid-19 (133 ng/mL; P=0.08).”

Ayon sa researchers, mas humiap ang kanilang recruitment mula nang pumutok ang impormasyon ukolsa posibleng hindi magandang epekto sa puso ng hydroxychloroquine.

Isa sa rekomendasyon ng mga nagsaliksik ay ang pag-aaral sa epekto kapag dinagdagan pa ang dosage ng gamot.

Kamakailan nang sabihin ng World Health Organization na matapos ang anim na buwang Solidariy Therapeutic Trial ay wala rin silang nakitang significant o pambihirang epekto mula sa hydroxychloroquine nang gamitin sa COVID-19 cases.