CEBU CITY – Umaasa si Cebu Archbishop Jose Palma na makakamtan na ang hustisya sa mga pamilya na naging biktima ng Ampatuan massacre case.

Ito ang kabilang sa mensahe ng arsobispo sa isinagawa nitong misa sa unang araw ng simbang gabi sa Carbon Public Market.

Ngunit nilinaw naman ni Palma na ang paglabas ng resulta ng kaso ay lampas na sa kanyang kakayahan, kaya’t umaasa nalang ito na tuluyan ng makuha ang hustisya na para sa mga biktima.

Sa darating na Disyembre 19 ay nakatakdang ibaba na ang hatol ng korte sa naturang kaso.

Kahit pa man malakas ang buhos ng ulan kaninang madaling araw, dinagsa pa rin ng nga tao ang iba’t ibang simbahan sa Cebu City at gaya ng inaasahan, halos ‘di mahulugan ng karayom ang dami ng tao sa Basilica Minore del Sto. Niño.