-- Advertisements --
Lumakas at tuluyan ng naging Category 5 ang hurricane Lee habang binabagtas ang eastern Caribbean.
Ayon sa National Hurricane Center, na mayroon itong dalang hangin na 165 miles per hour.
Nakita ang sentro nito sa may 630 miles ng eastern ng northern Leeward Islands.
Nitong Huwebes lamang kasi ay nasa Category 1 ito at mabilis na lumakas sa loob lamang ng isang araw.
Ayon sa ahensiya na maaring maapektuhan ang Eastern US sa mga susunod na araw.