-- Advertisements --
Nakataas na sa Category 4 ang hurricane Laura habang papalapit sa karagatang bahagi ng Texas at Louisana.
Ayon sa National Hurricane Center, mayroong lakas nito na 115 miles o 185 kilometers per hour.
Inaasahan na magdudulot ito ng matinding pinsala sa naturang mga lugar.
Bilang paghahanda ay pinalikas na ng mga otoridad ang mga residente.
Sinabi ni Louisiana governor John Bel Edwards, nakahanda ang kanilang mga rescue teams at pinayuhan ang ilang mga residente na lumikas na.
Magiging mahigpit rin aniya sila sa pagsunod ng health protocols para hindi na kumalat pa ang coronavirus.