-- Advertisements --

Naghain ng not guilty plea ang anak ni US President Joe Biden na si Hunter sa tax charges na kaniyang kinakaharap.

Nahaharap ang 53-anyos na si Biden ng bigong magbayad ng $1.4 milyon ng buwis sa pagitan ng 2016 at 2019 habang kayang gumastos ng ilang milyong dolyar sa droga, escorts, mamahaling sasakyan at ilang mga luho.

Sakaling mahatulan ito ay mahaharap siya ng 17 taon na pagkakakulong.

Itinakda naman ni U.S. District Judge Mark Scarsi ang pagdinig sa darating na Hunyo 20.

Sabi naman ng abogado ni Biden na si Abbe Lowell, na binayaran ng kliyente nito ang lahat ng mga buwis at kaya lamang nakakaladkad ang pangalan niya ay dahil sa apeliyedo nito at kasikatan dahil sa ama niya.