NAGA CITY- Kumiskado ang humigit kumulang P205K na halaga ng pinaniniwalaang shabu sa isinagawang buybust operation ng mga otoridad laban sa isang 39-anyos na babae sa Brgy. Conception Grande, Naga City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga ki PMaj. Juvy Llinat, ang station Commander ng Naga City Police Office-Station 2, sinabi nito na noong nakaraang araw pa nila sinusubaybayan ang nasabing suspek dahil malakihan aniya ito kung magsagawa ng transaksyon.
Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na nakabili ang nagpanggap na poseur buyer ng isang 1 piraso ng transparent plastic sachet ng pinaghihinalaang shabu sa suspek.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, mababatid na nakumpiska pa sa suspek ang isang 1 piraso ng knot-tied transparent plastic sachet ng ipinagbabawal na gamot na mayroong bigat na humigit-kumulang 10 grams at nagkakahalagang humigit-kumulang P205,000.
Ayon pa sa pag-inspeksyon sa suspek, mayroon rin bumibili sa suspek sa may parte ng naturang lugar, kun saan dito rin nila ito natunugan bilang patotoo na talagang nagbebenta ito ng naturang droga.
Samantala, wala pa naman aniyang nakitang record si Llunar sa suspek sa kanilang opisina.
Sa ngayon ay patuloy ang pag-deploy sa mga personahe ng kapulisan sa iba’t ibang parte ng lungsod upang tuloyan ng mawala sa lugar ang ipinagbabawal na gamot.
Kaugnay nito, binigyan-diin rin ng opisyal na walang mabuting maidudulot ang ganitong gawain lalo na sa buhay ng tao.