-- Advertisements --

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isang plea bargainer matapos itong mahuli sa isinagawang buybust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency-7 sa Brgy. Calindagan lungsod ng Dumaguete Negros Oriental.

Kinilala ang naarestong suspek na si Fernando Saraga, 54 anyos.

Nakumpiska mula sa posisyon ni Sara ang humigit-kumulang isang kilo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P6.9 million pesos.

Ayon sa mga otoridad, matagal ng isinailalim sa surveillance ang suspek bago ikinasa ang operasyon.

Inilarawan pa ang naaresto na “beterano” sa ilegal droga at makapagdispose ng isang kilo ng shabu kada buwan.

Nabatid na si Saraga ay naaresto noong 2012 dahil sa pagbebenta umano ng ilegal na droga kung saan nagplea bargain ito at nakalaya noong 2016.