Tatlumpu’t tatlong porsyento ng mga nasa hustong gulang na Pilipino ang naniniwala na bumuti ang kanilang kalidad ng buhay sa nakalipas na 12 buwan.
Ang datoos ay bata sa resulta ng kamakailang non-commissioned survey ng Social Weather Stations (SWS).
Ang survey, na isinagawa mula Hunyo 28 hanggang Hulyo 1, 2023, ay nag-ulat rin na 45% ng mga nasa hustong gulang na Pilipino ang naniniwala na ang kanilang kalidad ng buhay ay nanatiling pareho sa nakaraang taon habang 22% ang naniniwala na ang kanilang buhay ay lumala o mas naging mabigat.
Ayon sa survey, nagresulta ito sa net gainer score na 11% na “very high,”.
Mas mataas din ito ng anim na puntos kaysa sa 5% noong Marso 2023 ngunit mas mababa pa rin sa antas ng pre-pandemic na 18% noong Disyembre 2019.
Inuri ng SWS ang mga “gainers” bilang mga naniniwalang bumuti ang kanilang buhay habang ang “losers” ay ang mga naniniwalang lumala ang kanilang buhay.
Ang mga pagtatantya ay tinimbang ng Philippine Statistics Authority medium-population projection para sa 2023 upang makuha national estimates para sa nasabing survey.