LEGAZPI CITY – Hindi katanggap-tanggap para sa Diocese of Legazpi ang pahayag ng Albay Provincial Office na hindi madala sa ospital ang tatlong mag COVID-19 positive sa lalawigan dahil tumanggi ang mga ito.

Una nito, inihayag ng Albay PHO na hindi nila pinilit ang naturang mga pasyente sa pangamba na magkaroon ng isyu sa human rights violation.

Subalit sinabi ni Bishop Joel Baylon sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na hindi dito isyu kung gusto o ayaw ng isang positive patient na magpadala sa ospital dahil hindi dapat pairalin ang pagiging makasarili lalo pa kung marami ang apektado.

Mas mahalaga pa rin aniya ang ‘common good’ kumpara sa ipinaglalaban na ‘individual good’.

Dagdag pa ni Bishop Baylon na nauunawaan niya ang karapatan ng naturang mga pasyente subalit mas matimbang pa rin aniya ang human rights ng buong komunidad na nasa panganib ang kalusugan.