-- Advertisements --
locsin
IMAGE | DFA Sec. Teddyboy Locsin Jr.

Pinuna ng isang international human rights organization ang pahayag ni Foreign Affairs Sec. Teddyboy Locsin Jr. laban sa panukalang imbestigasyon ng Iceland anti-drug war campaign ng pamahalaan.

Tinawag na mapangahas at malisyoso ng Human Rights Watch ang sinabi ni Locsin na bonus mula sa drug cartels ang matatanggap ng mga nasa likod ng resolusyon kung maipapanalo ito ng Iceland.

“This is an outrageous and malicious statement by the Philippines’ top diplomat. It shows the desperation of the Philippine government to frustrate accountability for its atrocious ‘drug war’,” ani HRW Philippines researcher Carlos Conde.

“If the Iceland resolution wins that means bonuses for everyone who worked for it—from the drug cartels,” ani Locsin sa isang Twitter post.

Sa ilalim kasi ng panukala, aatasan ang pamahalaan ng Pilipinas na gumawa ng hakbang para mapuksa ang mga kaso ng extrajudicial killings.

Bukod dito, iimbestigahan din ng United Nations Human Rights Council ang war on drugs campaign ni Pangulong Duterte.

Matagal ng tutol ang pamahalaan sa plano ng ibang estado na silipin ang kontrobersyal na kampanya.

Kaya nang maglabas ng panibagong datos ng Amnesty International kamakailan ay agad din itong pinalagan ng Malacanang.

Ano mang araw ngayong linggo inaasahang lalabas ang resulta ng botohan ng UNHRC sa resolusyong inihain ng Iceland.