
Inihayag ng Department of Information and Communications Technology na nagsisimula nang tumaas ang bilang ng mga humahabol sa pagpaparehistro ng SIM card sa bansa.
Siyam na araw na lamang kasi ay awtomatikong madedeactivate na ang mga unregistered SIM cards na nakatakda sa Abril 26.
Kaya naman, muling hinihimok ng Department of Information and Communications Technology ang publiko na kumilos na at iparehistro ang kasalukuyang ginagamit na SIM cards.
Kaugnay niyan, naitala ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na ang pinakahuling SIM Registration tally ay lumampas sa 69 milyon.
Ito ay katumbas lamang ng humigit-kumulang 41.32% ng mga active SIM card sa buong bansa na may kabuuang 170 million units.
Kung matatandaan, umapela ang mga pampublikong telecommunication entities para sa extension ng pagpaparehistro ng SIM.
Una na rito, alinsunod sa Republic Act No. 11934, o mas kilala bilang SIM Registration Act, lahat ng hindi rehistradong SIM card pagkatapos ng nabanggit na deadline ay awtomatikong made-deactivate.










