-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY – Handa na ang Mindanao International Container Terminal (MICT) na idispatcha ang huling batch ng basura pabalik ng South Korea.
Ito ang kinumpirma ni MICT collector John Simon matapos matapos ang pag-iimpake sa shipment ng mga basura na ipinuslit noon sa container terminal.
Nakausap na raw nila ang South Korean government hinggil sa pagbabalik ng kanilang mga basura.
Aminado si Simon na natagalan ang proseso sa paguwi ng huling batch.
Ang mahalaga raw ngayon ay maibabalik na sa pinanggalingan nito ang mga basura lalo na’t nakakaapekto na ito sa mga residenteng malapit sa pinagimbakan nito ngayon.
Kung maaalala, July 2018 nang ipasok sa MICT ang toneladang shipment ng basura mula sa South Korea.