Naniniwala ang Healthcare Professionals Alliance Against COVID-19 (HPAC) na dapat ay pinalawig ng dalawa pang linggo ang enhanced community quarantine (ECQ) status sa Metro Manila at apat na karatig probinsya para mapigilan ang pagkalat pa lalo ng COVID-19.
Ayon kay Dr. Maricar Limpin ng HPAC, sa ilalim kasi ng modified enhanced community quarantine ay ilang mga restrictions na ipinatupad noong ECQ ay matatanggap.
Dahil dito, hindi malayong bumalik lang din naman sa dati ang transmission ng COVID-19 sa bansa.
Para kay Limpin, bise presidente ng Philippine College of Physicians, maiiwasan sana ang paglabas-labas ng mga tao sa loob ng dalawa pang linggo kung pinalawig lang ang ECQ.
Sa pamamagitan kasi nang pagpapatupad ng hard lockdown ay mapipilitan ang publiko na sumunod talaga sa minimum health protocols.
Sa ngayon, iginiit ni Limpin na karamihan sa mga ospital ay punong-puno na dahil sa pagsipa ng mga COVID-19 infections sa mga nakalipas na linggo.
Nagiging kakaunti na rin ang mga gamot ng mga health facilities para sa COVID-19 cases.