Nais ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na i-regulate ang manufacture, sale and use of firecrackers sa siyudad at sinabing ang mga fireworks display ay dapat gawin sa mga public places at hindi sa mga private properties at mga kabahayan.
Batay sa Executive Order No. 54 series of 2022 na inilabas ni Mayor Belmonte ang mga fireworks display ay pinapayagan lamang sa mga public places na aprubado ng city government.
“We also want to protect homes, commercial buildings and other structures against incidental fires and to lessen the harmful effects of hazardous chemicals and pollutants,” pahayag ni Belmonte.
Layon ng nasabing direktiba para mabawasan ang mga injuries sa pagsalubong sa bagong taon.
Una ng nagpahayag ng suporta ang Bureau of Fire Protection na isasagawa na lamang sa mga common areas ang fireworks display.
Nakatakda namang aprubahan ng Department of Public Order and Safety ang anumang plano para sa mga fireworks display sa mga public areas.
Dapat ding ibenta ang mga paputok sa mga shopping mall “na may clearance mula sa Department of Public Order and Safety (DPOS)” at isang espesyal na permit mula sa Business Permits and Licensing Department ng siyudad.