-- Advertisements --

Magpapadala ng food packs ang gobyerno sa bawat bahay ng mga undernourished school children dahil hindi pa rin pinahihintulutan ang face-to-face classes sa mga paaralan.

Ayon kay Zero Hunger Task Force at Cabinet Secretary Karlo Nograles, pinangangasiwaan ng Department of Education (DepEd) ang supplemental feeding program para sa mga mag-aaral mula Kinder hanggang Grade 6, habang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) naman ang bahala sa mga mas bata pa.

Naisip ng Department of Science and Technology (DOST) ang food packs na naglalaman ng masusustansyang pagkain tulad ng Nutribun, fresh mils, micronutrient packs, iron-fortified rice at iba pa.

Tutulong naman ang mga development workers, supervised play workers at barangay officials sa pamamahagi ng mga food packs bawat bahay.

Dagdag pa ni Nograles, kailangang isalba ang mga bata mula sa malnutrition dahil sila ang susunod na henerasyon.

Hindu naman sinabi ng kalihim kung ilang mag-aaral ang maaabutan ng food packs.