Nanawagan si House Ways and Means Chair at Albay, 2nd District Representative Joey Sarte Salceda para sa pagpasa ng isang “universal flow back mechanism” para sa mga kita ng taripa mula sa agricultural imports na maihatid sa mga programa para sa kanilang katapat na domestic agricultural sector para lalo pa lumago ang domestic agricultural sector.
Ginawa ni Salceda ang pahayag sa isinagawang General Membership Meeting ng United Broiler Raisers Association (UBRA), isa sa pinakamalaking organisasyon ng poultry-sector sa bansa kung saan siya ang nagsilbing panauhing tagapagsalita.
Punto ni Salceda na ang mga taripa mula sa pag-import ng mga produktong pang-agrikultura ay dapat pumunta sa pagpapaunlad ng domestic counterparts nito.
Halimbawa dito na ang kita mula sa imported na baboy ay dapat mapunta sa domestic swine industry at ang mga kita mula sa imported dressed chicken ay dapat mapunta sa broiler sector.
Punto ni Salceda na sa ganitong paraan mapapanatili na mababa ang presyo.
Binanggit din ni Salceda ang Rice Competitiveness Enhancement Fund na aniya’y nakatulong sa mga magsasaka na makamit ang mataas na ani habang pinapanatili ang kontrol sa presyo ng bigas.
Ang nasabing panukala ni Salceda ay nakapaloob sa kanyang House Bill No. 2471, o ang Universal Tariff Flowback Act, na inihain niya noong July 2022 at kasalukuyang nakabinbin sa Committee on Agriculture and Food.
Dagdag pa ng economist solon, naroroon din sa iminungkahing Livestock, Poultry, and Dairy Development Act, na maglalaan ng P6.3 bilyon sa awtomatikong paglalaan patungo sa sektor ng hayop at manok, at isa pang P2.8 bilyon para sa sektor ng mais, mula sa mga kita sa taripa sa mga inangkat na mais at mga produktong hayop.
Ang nasabing panukala ay nasa ilalim ng House Bill No. 440, na inakda mismo ni Salceda at siya mismo ang namumuno sa Technical Working Group.
Ang nasabing proposal ay tinukoy ng economic team ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr bilang top priority.
Samantala, ipunto ni Salceda na mahalaga na magkaroon ng malakas na mekanismo sa biosafety ng sa gayon agad ma-detect at ma-contain ang bago at delikadong strains ng African Swine Fever at Avian Influenza na hindi na makapasok sa bansa.
“We also need stronger mechanisms to detect and contain Avian Flu. This one’s deadly and potentially zoonotic. When it passes on to humans, mortality is 56%. And it has so far killed off wild birds at a rate that the world has never seen in any past strain. So, this one could have catastrophic impacts on Philippine agriculture if we don’t get it right. It could also be a public health crisis in the waiting,” pahayag ni Salceda.
Dahil dito, mahigpit na hinihimok ni Salceda na magkaroon ng IATF on emerging infectious diseases for humans.
Dapat maglabas ng executive order si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa pag monitor sa banta sa biosafety sa agriculture sector.