Hiniling ni House Ways and Means Chair at Alabay Representative Joey Sarte Salceda kay Pang. Ferdinand Marcos Jr., na i-certify bilang urgent measure ang Ease of Paying Taxes Act na kasalukuyang tinatalakay sa Senado.
Una ng inaprubahan ng House of Representatives ang version sa ilalim ng House Bill No. 4125 na inakda ni Salceda.
Binigyang-diin ng Bicolano solon na panahon na para i-modernize ang paraan sa pag-administer ng taxes at dahil ang tax system sa 21st century at siyang magiging legasiya ng kaniyang administrasyon.
Dagdag pa ni Salceda na karamihan sa mga key issues ay na settled na kabilang ang mga concerns ng mga enterprises.
Ang Ease of Paying Taxes Act ay magpapasimple sa paghahain ng buwis para sa mga maliliit at katamtamang negosyo, magbibigay-daan sa karamihan ng mga proseso ng buwis na gawin online, lumipat sa isang sistema ng invoice upang mapabilis ang mga refund ng VAT, at lumikha ng isang espesyal na dibisyon sa BIR para sa maliliit at katamtamang mga nagbabayad ng buwis.
Sinabi rin ni Salceda na plano ng House delegation na ipakilala ang VAT refund para sa mga turista, na tinukoy ng Private Sector Advisory Council bilang priority measure, at mga probisyon laban sa sindikato o malakihang paggamit ng mga mapanlinlang na resibo, na hiniling ng Bureau of Internal Revenue mula sa Kongreso.
Ang parehong measures ay inaprubahan na sa Kamara, bilang HB 7292 at HB 8144.
















