Hindi nag-isyu ng marching order si House Speaker Romualdez para iprayoridad ng Mababang kapulungan ng Kongreso ang deliberasyon sa House Resolution 1477 na nanghihikayat sa pamahalaan na makipagtulungan sa imbestigasyon ng ICC sa mga napaslang sa war on drugs sa ilalim ng Duterte administration ayon kay House Majority Leader Mannix Dalipe.
Matatandaan na inihain nina Manila Rep. Bienvenido Abante Jr. at 1-Rider party-list Rep. Rodge Gutierrez ang naturang resolution.
Nilinaw naman ni Dalipe na tumatayong Committee on Rules Chair na hindi ipagsasawalang bahala ng Kamaa ang anumang inihaing resolusyon.
Iginiit ng mambabatas na dapat na igalang ang otonomiya ng legislative process at ang pangangailangan na tumalima sa procedures.
Sinabi din ng mambabatas na pinapayagan ng demokratikong proseso ang pagkakaroon ng isang constructive debate para matiyak na lahat ng perspektibo ay maikokonsidera sa pagbuo ng desisyon ng lehislatura.