Nagbigay ng kaniyang paliwanag si House Deputy Majority Leader at Iloilo Representative Janette Garin hinggil sa nangyaring tensiyon sa plenaryo.
Ito ay kasagsagan ng pagtalakay sa panukalang pondo ng Department of Health (DOH).
Ayon kay Garin, ang nasabing insidente ay isang “unfortunate” incident na nangangailangan ng pang-unawa mula sa publiko.
Paglilinaw ng Kongresista na ang proseso ng debate ay hindi bastusan sa pagitan ng mga nagtatalong mga mambabatas.
Ipinunto ni Garin na ang mainitang paggiit ng ideya at mungkahi ng bawat panig ay nangyari habang hinahabol na maipasa ang panukalang batas sa huling gabi ng sesyun.
Sinabi ng Doctor solon minsan hindi napipigilan ang pagsabog ng emosyon kapag nagkaroon ng hindi parehong pananaw sa pagitan ng magkasalungat na mga mambabatas, lalo na kapag pinag-uusapan nila ang pangkalahatang panukalang batas sa ilalim ng time pressure.
Ginawa ni Garin ang pahayag kasunod ng mabilis na paghatol sa internet mula sa isang polarized na netizens na ang mga pananaw ay maaaring magdulot ng hindi sinasadyang pinsala sa integridad ng proseso ng paggawa ng batas.
Aminado ang lady solon na maging siya ay naging emusyunal.
Si Garin ay isang health advocate na nais mapabuti ang public health care sa bansa na hindi nasasakripisyo ang pondo ng DOH.
Ayon kay Garin tatlong araw nang pabalik-balik ang taga-DOH sa Kamara para maisaayos ang badyet para sa kanilang mga programang maibigay ang maayos na serbisyo sa Filipino.
Nang makita ni Garin na inagaw ng isang kongresista ang mikropono para sa kanyang paulit-ulit na pagtangkang mabalam ang proseso ay agaranniyang sinuportahan ang mosyon ng minority na tapusin ang balitaktakan sa plenaryo.
Tinangka ni Agri party-list Rep. Wilbert Lee na harangin si Senior Deputy Minority Leader Paul Daza kaya inagaw nito ang microphone habang tinatapos nito ang budget deliberations ng DOH.
Paliwanag ng House leadership dahil gahol na sa oras hindi mapagbigyan ang hiling ni Lee, subalit ang mga ito ay kinunsidera.
Sinabi ni Garin matapos ang microphone scuffle incident, kinausap niya si Cong Lee kaugnay sa isyu at napagkasunduan na ang nangyari ay trabaho lamang at hindi personal.
Sa ngayon ayon kay Garin okay na sila ni Cong Lee, “and all is well that ends well.”