-- Advertisements --
image 62

Tiniyak ng House Committee on Agriculture and Food na nakahanda sila tumulong sa Department of Justice o DOJ at National Bureau of Investigation o NBI sa ikinakasang imbestigasyon kaugnay sa “smuggling” ng sibuyas at iba pang agricultural products.

Ito ang pagtitiyak ni Quezon 1st district Rep. Mark Enverga, chairman ng nasabing komite kasunod ng direktiba ni Pangulo at Agriculture Sec.

Ferdinand Marcos Jr. sa DOJ at NBI na siyasatin ang mga nabanggit na isyu na malaki ang epekto sa sektor ng agrikultura.

Sinisigurado ni Enverga ngayon kay Pang. Marcos na ang House Agriculture and Food Panel ay bukas na maglalaan ng mga importanteng impormasyon sa DOJ at NBI hinggil sa operasyon ng smuggling at kartel, na lumutang sa mga nakalipas na pagdinig ng komite.

Kabilang dito ang panukalang Anti-Agricultural Smuggling, kung saan isasama ang hoarding, price manipulation at profiteering sa listahan ng ituturing na “economic sabotage.”