-- Advertisements --

Nakalusot ang Magnolia Hotshots laban sa Meralco Bolts 97-88 sa kanilang overtime game ng 2022 PBA Philippine Cup.

Bumida sa panalo ng Hotshots si Paul Lee na nagtala ng 21 points, habang mayroong 19 points si Jio Jalalon at 12 points, 15 rebounds si Ian Sangalang.

Ginamit ng Hotshots ang kanilang 5-0 run sa overtime at hindi nakapagtala ng puntos ang Bolts hanggang sa huling buzzer.

Mayroon ng anim na panalo at tatlong talo ang Magnolia habang ang Bolts ay mayroong limang panalo at apat na talo.