-- Advertisements --
Nag-demand umano ng isang helicopter para makatakas ang tatlong persons under police custody (PUPCs) na nang-hostage kay Senator Leila de Lima.
Ayon kay Interior Secretary Benhur Abalos, maliban sa helicopter ay marami rin umanong hiling ang mga suspek na sasakyan para makatakas.
Kinilala ang mga suspek na sina Arnel Cabintoy, Idang Susukan at Feliciano Sulayao Jr.
Ang lahat ng mga suspek na namatay ay miyembro Abu Sayyaf ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Police General Rodolfo Azurin Jr.
Nangyari ang naturang insidente dakong alas-6:30 ng umaga sa PNP Custodial Center inside Camp Crame sa Quezon City.