DAVAO CITY – Pinigilan ang ilang katao na nakasabay ng batang pasyenteng pinaghihinalaang nasawi dahil sa sakit na Meningococcemia sa Brokenshire Memorial Hospital.
Kaagad na kumalat sa social media at sa mga text messages ang impormasyon na pinigilan sila ng hospital matapos ma-expose sa emergency room (ER) na kasabay ang pasyenteng hindi kaagad na-diagnose na may Meningococcemia.
Napag-alamang nag-meeting kaagad ang mga doktor upang malaman kung ano ang dapat gawin sa mga na-expose sa nasawing pasyente.
Kaagad namang pinakalma ang publiko na nag-alala dahil sa insidente.
Nilinaw ng mga doktor na hindi airborne kundi droplet lamang ang mode of transmission sa nasabing sakit.
Ang mga naka-close contact sa pamilya na nag-alaga sa biktima ay paiinumin ng prophylaxis.
Ayon sa mga doktor na suspected Meningococcemia ang dahilan ng pagkamatay ng biktimang bata at kailangan pang i-validate.
Infection control lamang daw muna ang ipinatupad ng hospital.
Wala umanong dapat na ipag-alala ang publiko, lano na’t di naman sila nakalapit sa pasyente.
Nilinaw ng hospital na ang mga nakolektang mga specimen ipinadala kaagad sa microbiologist para sa kompirmasyon.
Kaagad namang ipinatupad ang infection control protocol.
Ang ER sa nasabing hospital kaagad ding dinisinfect ng Infection Control Committee at pinaniwalaang ligtas na at normal na ang operasyon dito.