Pinaplano ngayon ng pamunuan ng Hong Kong na muling buksan ang border nito sa China kasabay ng pagsalubong sa susunod na taon.
Inihayag ito ni Hong Kong City leader John Lee kasunod ng kaniyang pagdalo sa kanilang pagpupulong sa Beijing kung saan aniya nila napagkasunduan ang unti-unting muling pagbubukas sa border ng nasabing bansa.
Ito ay sa kabila pa rin ng pakikipagbuno ng bansa sa muling pagtaas ng mga impeksyon sa COVID-19.
Kaugnay nito ay nakatakda rin aniyang mag sumite ng proposal ang mga local authorities ng magkabilang panig ng naturang border sa kung paano ang magiging implementasyon nito bago sumapit ang mid-January 2023.
Layunin nito na maibalik sa pre-pandemic state ang lahat ng border sa pagitan ng semi-autonomous business hub at iba pang bahagi ng nasabing bansa.
Samantala, sa ngayon ay pinapayagan na rin ang mga residente ng Hong Kong na maglakbay sa China sa pamamagitan lamang ng border control point at mandatory quarantine.
Habang kasalukuyan naman nang inatasan ang mga opisyal ng immigration, customs, at pulisya na magsibalik na sa kanilang mga border posts pagkatapos ang selebrasyon ng Pasko.