-- Advertisements --
Tatanggalin na ng gobyerno ng Hong Kong ang mandatory hotel quarantine sa mga bisita.
Simula aniya sa Setyembre 26, ang lahat ng mga bibisita sa nasabing lugar ay hindi na kailangan magpakita ng kanilang COVID-19 test bago sumakay sa eroplano patungong Hong Kong.
Sa halip ay nararapat na lamang na kanilang imonitor ang kanilang sarili kung may infection sila sa loob ng tatlong araw.
Dahil dito ay inaasahan na tataas ang bilang ng mga turista na magtutungo sa Hong Kong.
Nagpaplano na rin ang mga iba’t-ibang airline companies na dagdagan ang kanilang mga flights patungo sa Hong Kong.