Binawasan ng Hong Kong ang kanilang COVID hotel quarantine requirements ng tatlong araw na lamang para sa mga dumarating mula sa ibang bansa.
Ayon kay chief Executive John Lee matapos ang tatlong araw na pananatili sa designated quarantine hotels, sasailalim naman ang mga bagong dating sa apat na araw na “medical surveillance” doon na lamang sa kanilang bahay o kahit sa anumang hotel.
Bago ito, ang mga overseas arrivals ay inaabot ng pitong araw na quarantine sa kanilang mga designated hotels.
Nilinaw naman ng Hong Kong na ang “medical surveillance” period ay binibigyang laya ang mga tao na magtungo na sa iba’t ibang mga lugar na nangangailangan ng vaccine passes na ipipresenta tulad na lamang sa mga bars, gyms at mga amusement centres.
Liban na lamang sa mga may matatanda na lugar ay bawal pa rin naman sila.
Kung sakali naman na ang mga bisita sa Hong Kong ay magnegatibo sa COVID sa loob ng apat na raw, pinapayagan na rin sila na sumakay sa mga public transport, makapagtrabaho at makabisita sa mga shopping centres o mga public markets.
Kung maalala nitong unang bahagi ng taon, lomobo ng husto ang mga COVID cases sa Hong Kong dahil sa pagkalat ng transmissible na Omicron variant.
Una na ring nabatikos ang Hong Kong dahil sa tindi ng higpit lalo na sa travel restrictions ito ay sa kabila raw na maraming ekonomiya na ang nagluluwag.