-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Isang honest driver ang nagpamalas ng kabutihan matapos na isauli ang isang wallet na naglalaman ng Php50,000.00 sa kanyang pasahero dito sa Cauayan City.

Sa panayan ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Barangay kapitan Eleazar Mico Delmendo ng Dist. 2 Cauayan City na namamasada si Johan Agsunod sa FLDy Coliseum ng may sumakay sa kanya at inihatid sa isang pagamutan nang pabalik na umano si Agsunod ay nakita niya ang wallet na naglalaman ng malaking halaga ng pera.

Dahil sa walang anumang laman na valid ID ang wallet ay nagdesisyunan siyang ibalik na lamang sa pamahalaang lunsod ngunit nauna nang nagpatuloy ang may-ari ng pera sa nasabing tanggapan kaya naibalik sa kanya ang pitakang may lamang libu libong pisong pera.

Ayon pa Barangay Kapitan Delmendo, sa kabila na nangangailangan din ng malaking pera si Agsunod ay hindi nasilaw sa naiwang pera sa kanyang tricycle bagkus ay gumawa ng paraan para maibalik sa may-ari.

Dahil sa kabutihang ipinamalas ni Johan Agsunod ay nakatakda siyang bigyan ng pagkilala sa kaniyang ginawa upang magsilbing inspirasiyon sa iba pang mga tsuper ng tricycle.